Tila patuloy na lumalakas ang P-pop girl group na BINI sa music industry batay sa kanilang mga dumaraming achievements at milestone.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Mayo 28, ibinahagi ni showbiz insider Ogie Diaz ang nakarating daw sa kaniyang tsika tungkol sa BINI.

“Mayro’n nang mga nakakarating sa atin [...] na ang hirap na raw i-book ng BINI. [...] Pagka ganyang napakalakas ang talagang susunod na balita dyan ay nagkakahirapan na ng booking,” lahad ni Ogie.

“Minsan nga, may isa akong nakausap. Okay naman daw kung busy, okay naman daw kung hindi available sa petsang kinukuha nila ang BINI, pero sana naman daw ay nababalikan sila,” wika niya.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Dagdag pa niya: “Parang ‘babalikan ko po kayo,” sasabihin ng RM (road manager). Ako naman, naiintindihan ko ‘yan. At mayro’n namang mga ganyang instances talaga ang Star Magic na minsan nakakalimutan nilang ibalik.”

Kaya mungkahi ni Ogie, kailangan daw paalalahanan nang paalahanan ang nasabing talent agency hanggang sa makakuha  ng tiyak at kongkretong sagot tungkol sa booking ng BINI.