Usap-usapan ang makahulugang patutsada ni Ogie Diaz sa isang "sponsor" o financier ng isang award-giving body, na nabigyan daw ng parangal dahil sa umano'y malaki nitong "ibinigay."

Mababasa sa "My Story" ni Ogie, "Kaya naman pala wagi sa award giving body. Bongga naman pala mag-sponsor."

"Congratulations pa rin. Sana happy 'sila'!" pagbati pa ni Ogie.

Photo courtesy: Ogie Diaz (FB)

Tsika at Intriga

RR Enriquez, di kilala ang BINI pero 'wag daw pakialaman ang face mask nila

Sa kaniyang Facebook post kaugnay naman ng pag-etsa puwera ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards sa beteranang aktres na si Eva Darren kaugnay ng pagiging presenter nito, nabanggit ni Ogie ang tungkol sa nakarating sa kaniya.

"Samantalang me nakapasabi sa akin (kayo nang mga taga-riyan ang sumagot kung true), binigyan nyo ng award ang ilang hindi naman karapat-dapat magka-award porke nag-sponsor lang nang malaki. True ba?" aniya.

MAKI-BALITA: Matapos isnabin si Eva Darren: Ogie Diaz sa FAMAS, ‘Mga palaka kayo!’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang FAMAS kaugnay nito.

Narito ang listahan ng mga pinarangalan sa nabanggit na award-giving body na ginanap sa Manila Hotel noong Linggo, Mayo 26. Makikita rin ito sa opisyal na Facebook page ng FAMAS.

Best Picture- Mallari

Best Director- Louie Ignacio (Papa Mascot)

Best Actress- Kathryn Bernardo (A Very Good Girl)

Best Actor- Piolo Pascual (Mallari) at Alfred Vargas (Pieta)

Best Supporting Actor- LA Santos (In His Mother’s Eyes)

Best Supporting Actress- Gloria Diaz (Mallari)

Best Child Actor- Euwenn Mikael Aleta (Firefly)

Best Child Actress- Elia Ilano (Ghost Tales)

Best Screenplay- Enrico Santos (Mallari)

Best Production Design- Marielle Hizon (Mallari)

Best Cinematography- Carlo Mendoza (Gomburza)

Best Editing- Benjamin Gonzales Tolentino (Iti Mapukpukaw)

Best Musical Score- Teresa Barrozo (Iti Mapukpukaw)

Best Visual Effects- Mallari

Best Sound- Rewind

Best Original Song- “Finggah Lickin'” (Becky And Badette)

Best Short Film- Huling Sayaw ni Erlinda

Best Documentary- Maria

Circle of Excellence Award- Vilma Santos at Christopher de Leon

Special Citation Award- Gloria Romero

Bida sa Takilya Award- Dingdong Dantes at Marian Rivera

FAMAS Iconic Movie Actress of Philippine Cinema- Nova Villa, Pilar Pilapil, Marissa Delgado, at Divina Valencia

FAMAS Iconic Movie Actor of Philippine Cinema- Sen. Robin Padilla, Roger Calvin, Pepito Rodriguez, Coco Martin

FAMAS Lifetime Achievement Award (Film and Broadcasting)- Tina Lou

FAMAS Lifetime Achievement Award- Pilar Padilla at Romeo Rivera

Fernando Poe Jr. Memorial Award- Efren Reyes, Jr.

German Moreno Memorial Award- Joaquin Domagoso

Angelo "Eloy" Padua Memorial Award (Journalism)- Baby Jimenez