Bagamat hindi pa panahon ng tag-ulan sa Pilipinas, maagang nagpaalala ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa publiko sakaling maranasan na mga pag-ulan.

Sa Facebook post ng PAWS nitong Lunes, Mayo 27, paalala nila na ugaliing tingnan muna maigi ang labas ng sasakyan bago magmaneho.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Kadalasan daw kasing nagtatago ang mga stray dogs at cats sa ilalim ng mga sasakyan o sa ibabaw ng makina tuwing umuulan.

“Like this tiny kitten, many strays seek refuge under our cars, on top of tires, or even on top of engines under the hood during the rainy season. Such is the plight of strays— if they're not looking for shade from the heat of the sun, they need to seek shelter from the cold rain. All they want is to just survive,” saad ng PAWS/

“As the rainy season ushers in, let’s spare a thought for animals. It only takes a quick 5-minute check before riding your parked car. Don’t forget to remind your friends and family to do the same! Your considerate inspection could save a life!” dagdag pa nila.

Nitong weekend, nakaranas ng pag-ulan ang ilang lugar sa bansa dahil sa bagyong Aghon.

Inaasahan namang lalabas ang bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Miyerkules ng tanghali o gabi, Mayo 29, bilang isa pa ring “typhoon.”