Naglabas ng pahayag ang Aktor - League of Filipino Actors kaugnay sa nangyaring pambabastos umano ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.sa batikang aktres na si Eva Darren.

Sa Facebook post ng Aktor nitong Martes, Mayo 27, sinabi nila na hindi umano nagampanan ng FAMAS ang tungkulin nitong parangalan ang indibidbwal na naglalaan ng talento at pagkamalikhain sa industriya ng pelikula.

“An awards night is a moment of celebration, extending beyond mere victory and trophies. It serves as a gathering for the entire community, offering a chance to unite and acknowledge the talents and artistry of each member,” pahayag ng Aktor.

“It is ironic that the event last Sunday, which was supposed to honor the iconic pillars of the country, was marred by an unfortunate incident that happened to one of our respected and beloved peers during a celebration with industry members at one of the oldest award-giving bodies. We are deeply saddened by the seeming.lapse in the management of the program,” saad nila.

Tsika at Intriga

BINI Maloi tinalakan sa pagrepost ng isang video: 'Educate yourself!'

Kaya naman, minimithi ng Aktor na muling ibalik ang tunay na esensya ng mga ganitong klaseng pagtitipon na yayakap sa bawat isa nang hindi nakakaramdam ng takot na mabukod o madiskrimina.

Dagdag pa ng naturang samahan: “Now, more than ever, it’s crucial to safeguard and honor the Filipino film industry, restoring both respect and authenticity to its events.”

Sa huli, inihayag ng Aktor ang kanilang mainit na suporta at pakikiisa para kay Eva.

Matatandaang nagsimula ang isyung ito matapos magsalita ng anak ng batikang aktres na si Fernando de la Pena sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Batikang aktres na si Eva Darren, ‘binastos’ sa FAMAS?

Photo Courtesy: Aktor - League of Filipino Actors (FB)