Nanawagan ang kampo ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kaniyang ina na lumantad para maisailalim sa DNA test.

 Si Amelia Leal ang magpapatunay na may lahing Pilipino si Guo dahil isa raw itong Pilipina, ayon sa kampo ng alkalde.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Sa ulat ng ">GMA News, nanindigan ang kampo ni Guo na Pilipino ang ina ng alkalde, at nanawagang lumantad na ito.

“Naghahanap siya. ‘Yun nga ‘yung sabi ko sa next hearing, ilabas lahat ‘yang mga ‘yan. Mayroon, may mga albums… Eh ‘di sasagutin namin ‘yan pagdating namin sa SolGEn [Solicitor General],” ani Atty. Stephen David, abogado ni Guo, sa panayam sa GMA News.

“’Yung mommy niya kasi problema, hindi naman niya nakita ‘yan eh. Kaya sana lumabas ‘yung mommy niya para ma-DNA natin,” dagdag pa ni David.

Matatandaang sa isang panayam na inilabas noong Mayo 20, isiniwalat ni Mayor Alice na isa raw siyang “love child” at inabandona raw siya ng kaniyang ina na kasambahay noong bata pa lamang siya.

“Alang-alang sa aking mga kababayan na nagtitiwala at nagmamahal sa akin ay buong tapang ko pong sasabihin na ako po’y isang LOVE CHILD ng mahal kong ama sa aming kasambahay. Na ako po ay iniwan ng aking biological mother bata pa ako noon. At ako’y pinalaki at itinatago sa loob ng isang farm. Pinalaking matindi ang pag-iwas sa mga bagay na magbibigay sana sa akin ng pagkakakilanlan sa labas ng aming hog raising farm,” ani Guo.

BASAHIN: Mayor Alice Guo, isa raw ‘love child’; inabandona ng inang kasambahay

Naisiwalat naman sa Senate hearing noong Mayo 22 na ikinasal ang mga magulang ni Guo na sina Angelito Guo at Amelia Leal.

BASAHIN: Matapos sabihing ‘love child,’ inabandona ng ina: Mga magulang ni Alice Guo, kasal daw

Bukod dito, napag-alaman ding walang certification of marriage at wala ring record of birth ang mga magulang ni Mayor Alice–bagay na kumukwestiyon kung totoong tao ang mga ito.

BASAHIN: Mga magulang ni Alice Guo, walang record of birth at marriage