Matapos i-reveal na ganap na siyang tatay, hinihikayat ng netizens ang Filipino-Chinese na vlogger na si Benedict Cua na kuhaan na ng birth certificate ang anak nito.

Sa isang TikTok video, ipinakita ni Benedict ang moments nila ng kaniyang 2-month old baby boy na si Aleck.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Pero dahil likas na sa mga Pinoy ang malilikot ang utak at mahilig mang-dogshow, sinabihan nila si Benedict na kuhaan na ng birth certificate si Baby Aleck dahil baka mapagkamalan daw itong spy.

Base kasi ito sa isyu ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, may lahing Chinese, na pinagkakamalang umanong spy dahil bukod sa 17-anyos na nang mairehistro ang kaniyang kapanganakan sa bahay, wala rin daw itong diploma dahil tuloy-tuloy umano siyang nag-aral sa pamamamagitan ng homeschooling kung saan siya tinuruan ng isa niyang tutor habang naninirahan sa isang “farm.”

MAKI-BALITA: Mayor ng Bamban, Tarlac, walang school at hospital records?

Kaya sa comment section ng TikTok video ni Benedict, puro mga kuwelang comments ang mababasa:

"Wag po palakihin sa farm ha, REGISTER NA AGAD!!!"

"Hala singkit din si baby, pa register po agad para di mapagkamalang spy"

"I pa register po sana ang birthcertificate agad para po pag naisipin nya maging Mayor in the future hinde po siya ma question"

"Spy din po ba baby niyo?"

"Di po ba yan spy? Congrats po! I’ve been watchinh your vlogs po since I was in college."

"sa sobrang private baka daw po itago at palakihin nyo sya sa farm,kunan nyo na po sya birth cert"

"huwag niyo po itago sa farm ah"

"Naparegister na po? chz HAHAHAHAHA"

"YOUR HONOR ALAM NA PO NAMIN NA HINDI KA TALGA SPY....SO CUTE LITTLE BAOBAO"

"Congratulations po!!!  iregister mo agad ang birth certificate niya sir ben ha! At iwasan muna na ipalaki sa farm2"

"e register niyo na po siya agad wag niyo na paabutin mag 17 yrs old"