Nagsalita na ang aktres na si Andi Eigenmann kaugnay ng kinasangkutang "viral video" ng partner niyang si Philmar Alipayo na talaga namang minalisya at umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Makikita sa TikTok video ni Crissa Liaging o kilala sa tawag na "Habibi" na habang magkausap sila ni Philmar ay topless ito at itinataas-taas pa ang braso. May bahagi pang halos ilapit na ni Philmar ang mukha niya kay Crissa.

Hindi rin nakaligtas sa mga mata ng netizen ang paghawak ni Philmar sa braso ng TikTok content creator-entrepreneur.

Binura ni Crissa ang original na uploaded TikTok video matapos putaktihin ng pang-iintriga mula sa mga netizen kahit umabot na ito sa milyong views.

Tsika at Intriga

Valentine, dinogshow si Maris: 'Kailangan talaga OOTD si Sadness?'

Pero nang i-reupload na niya ito, may isinama na siyang komento ng isang netizen na isa sa mga nang-intriga.

"bakit dinelete yung video with Philmar?" mababasa sa komento ng netizen, na ginawang text caption ni Crissa.

May background music ito ng kantang "Weak" ng American R&B vocal trio SWV.

Sa isa pang TikTok post, sinabi ni Crissa na huwag daw bigyan ng malisya ang pag-uusap nila ni Philmar, dahil wala pa raw siya sa kalingkingan ng ganda ni Andi.

"Ayaw ninyo butangi ug issue ang pag storya namong philmar wala rata ka kumingking sa ka gwapa ni andi! 🙃," aniya.

Pinagsabihan ng mga netizen si Crissa na dumistansya siya sa pakikipag-usap kay Philmar nang ganoon kalapit sa isa't isa lalo't may mga anak sila ni Andi.

Kaya ang tanong ngayon ng mga netizen ay kung okay pa ba sina Andi at Philmar?

MAKI-BALITA: Babaeng kausap ni Philmar Alipayo sa minalisyang ‘viral video,’ nagsalita na

Finally, sa pamamagitan ng Instagram story ay nagsalita na si Andi kaugnay nito.

Aniya, "He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that," mababasa sa pahayag ni Andi.

"What's shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention," dagdag pa.

Photo courtesy: Andi Eigenmann (IG)

Mukhang okay naman ang dalawa matapos i-flex ni Andi ang mga larawan nila ni Philmar sa IG story, kasama ang iba pang mga personalidad na may hawak na statement shirt ng Siargao.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Philmar kaugnay nito.