Nagbigay ng reaksiyon ang social media personality na si Xian Gaza matapos lumutang ang picture nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez nang magkasama sa South Korea.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Barbie Imperial naispatang magkasama sa South Korea?

Sa latest Facebook post ni Xian nitong Lunes, Mayo 27, tinatanong niya kung paano nadawit si Barbie sa hiwalayan ni Richard at ng dating asawa nitong si Sarah Lahbati.

“Ang akin lang eh paano naging homewrecker yung ganun kung si Richard at Sarah ay naghiwalay noong August 2023 pa? Nagkakilala lang naman si Barbie at Richard early 2024 eh. Ano'ng kinalaman ni Barbie sa hiwalayan nung mag-asawa ha?” pahayag ni Xian.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

“In the first place, may bagong jowa na si Sarah pero hindi pa sila napipicturean. So what kung nag-date sila sa South Korea ha? Eh hiwalay na yung lalaki last year pa. Wala namang boyfriend yung Barbie,” aniya.

Dagdag pa niya: “So ano'ng problema natin? Ahh kasi kasal si Richard? Ganun ba? Eh pa'no gagawin natin ilang dekada niyo ng pinipigilang ipasa yung Divorce Law? Kasi masama kamo ang Divorce? Labag ito sa utos ng Panginoon? Eh 'di huwag kang magpa-divorce! Habambuhay kang magdusa! Pero hindi porke yan ang paniniwala mo eh yan na rin ang dapat isabuhay ng iba.”

Pero isang netizen ang tila may napansin sa post ni Xian: “Bakit naman kasi si Sarah Geronimo ang naka-tag.”

“Owshit mae-edit ko pa ba yan,” tugon ni Xian.

Pahabol naman ng netizen: “Wag na pre, acceptance is the key. 😆”

Matatandaang kamakailan lang ay nagpahiwatig na si Xian ng pagreretiro niya bilang pambansang marites pero tila hindi pa rin siya makatiis na hindi mag-ispluk ng mga tsika. 

MAKI-BALITA: Xian Gaza, magreretiro na bilang pambansang marites?