Ipinahayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na wala siyang ambisyong tumakbo sa mas mataas na posisyon at nais daw niyang ituon ang kaniyang sarili sa Senado.

Sinabi ito ni Escudero sa isang panayam ng “Headstart” ng ABS-CBN News Channel (ANC) nitong Lunes, Mayo 27.

“I just want to focus on the Senate as an institution. I have no dreams or ambitions of running for higher office as one would usually say or think,” ani Escudero.

“Sabi nga ng ibang mga kaibigan ko: ‘Oh game na.’ Sabi ko: ‘Game na saan? Kayo naman, tumakbo na tayong Vice (President), Vice na nga lang talo pa. Tama na. Hanggang dito na lang. Gawin na lang natin ‘yung magagawa natin dito’,” dagdag pa niya.

National

Escudero, nanumpa na bilang bagong Senate president

Matatandaang tumakbo si Escudero bilang bise presidente ng bansa noong 2016, kung saan si dating Vice President Leni Robredo ang nanalo.

Samantala, noon lamang Mayo 20, 2024 nang maluklok siya bilang bagong pangulo ng Senado sa pamamagitan ng botohan.

Ito ay matapos bumaba sa pwesto si Senador Migz Zubiri na pinatalsik umano ng mayorya sa mga senador.

https://balita.net.ph/2024/05/21/alamin-15-senador-na-bumotong-patalsikin-si-zubiri-bilang-senate-president/