“She’s just a girl and she’s on fire 🔥”
Nagbahagi ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng kamangha-manghang larawan ng “Venus," ang hottest planet sa solar system.
Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na nakuha ng Mariner 10 spacecraft ang larawan ng naturang view ng planetang Venus.
Ayon sa NASA, may mga pagkakapareho ang Venus at ang kalapit nitong planeta na Earth, lalo na pagdating sa kanilang sukat at anyo.
“Venus is our closest neighboring planet. It is made out of the same materials as Earth, having formed in the same inner part of the solar system. Venus has a similar size and structure to our home planet, but the two planets' paths diverted long ago,” anang NASA.
“Shrouded in thick clouds comprised of sulfuric acid and an atmosphere of carbon dioxide, Venus is an example of runaway greenhouse gas effect,” dagdag nito.
Inihayag din ng NASA na ang surface ng Venus ang pinakamainit sa solar system, kung saan nasa mahigit 900ºF (475º Celsius) daw ang init nito, sapat na para tumunaw ng tingga.