Inamin ng aktres na si Janice De Belen na may mga pagkukulang siya sa kaniyang mga anak nang kapanayamin ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano.

Sa latest episode ng vlog ni Bernadette noong Sabado, Mayo 25, sinabi ni Janice na hangga’t maaari ay ayaw raw sana niyang umalis-alis sa bahay ang mga anak niya.

“But then everybody tells me: ‘Hindi pwedeng ganyan. At some point, hayaan mo sila to do their own things. Dapat hayaan mo silang matutong mamuhay mag-isa. Matuto silang mahirapan.’ Tama naman, may point naman,”  saad ni Janice.

“Pero syempre nanay ka, ‘di ba. Feeling ko, there was a part of me that trying to compensate for something that I could have not been given—which is a complete family. So, feeling ko ‘pag sinabi mong best, dapat best life talaga,” wika niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag pa ng aktres: “Kaya kung minsan, feeling ko parang hindi ko naturuan masyado ng life skills ‘yong mga anak ko. ‘Yong pagliligpit, pagwawalis. I think my children don’t know how to do that.”

Pero sa kasalukuyan, nakakapamuhay na naman daw nang mag-isa ang mga bata nang hindi niya in-encourage at sa kabilang banda ay hindi rin naman niya diniscourage.