Nalalapit na raw ang pag-iisang-dibdib ng celebrity couple na sina Charlie Dizon at Carlo Aquino ayon sa showbiz insider na si Ogie Diaz.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Mayo 26, inispluk ni Ogie kung anong buwan ikakasal ang mag-jowa.

“Sa June na raw ikakasal si Carlo Aquino at si Charlie Dizon. Malapit na siya. Parang hinintay lang ang pagdating ng mga kaanak ni Carlo at Charlie para ma-witness nila ang pag-iisang-dibdib ng dalawa,” lahad ni Ogie.

Gayunman, wala pa raw impormasyong nakukuha si Ogie kung saan gaganapin ang naturang kasal.

Tsika at Intriga

Xian Gaza todo-takip ng mukha sa airport, pang-asar sa BINI?

Matatandaang sa isang episode ng “Cristy Ferminute” ay naiulat din ang tungkol sa kasal nina Carlo at Charlie na umano’y matutuloy na nga raw. 

MAKI-BALITA: Kasal nina Carlo Aquino, Charlie Dizon matutuloy na?

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag sina Carlo at Charlie para kumpirmahin o pabulaanan ang naturang balita.