May pakiusap ang isang guro sa mga magulang na nagbabalak magbigay ng "money garland" o "money bouquet" sa kanilang mga anak na magsisipagtapos na sa pag-aaral, lalo na sa elementarya.

Sa viral Facebook post ng gurong si "Gerva Lpt," mababasa sa simula ang "๐™‹๐™–๐™ ๐™ž๐™ช๐™จ๐™–๐™ฅ ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™—๐™ž๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™ค๐™ฃ๐™š๐™ฎ ๐™‚๐™–๐™ง๐™ก๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‚๐™ง๐™–๐™™๐™ช๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™Ž๐™š๐™–๐™จ๐™ค๐™ฃ."

Aniya, hindi raw lahat ng mga mag-aaral ay nagmula sa isang pamilyang may kakayahang pinansyal.

"Mabibilang lamang ang mga batang Graduates na mula sa pamilyang may kakayahang pinansyal. Karamihan sa kanila ay nagmula sa pamilyang kinakapos sa pang-araw-araw nila."

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

"Pakiusap sa mga Magulang na magbibigay ng ๐™ˆ๐™ค๐™ฃ๐™š๐™ฎ ๐™‚๐™–๐™ง๐™ก๐™–๐™ฃ๐™™๐™จ ngayong graduation season na kung maaari, gawin ang pagsasabit pagkatapos na ng graduation ceremony at hindi habang nagaganap ang seremonya at lalong huwag sana sa mismong pagakyat sa stage."

"Ang purpose ng pagbibigay ng money garland ay bigyan ng appreciation ang batang nagsipagtapos, hindi upang ipagmalaki sa ibang tao na higit tayong sagana at mas maraming pera."

"Muli, isang pakiusap mula sa isang Guro ng graduating class at gumagawa rin ng money garlands," aniya pa.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Napakagandang mensahe po sir pagbibigay rin po ito ng respeto sa mga magulang na walang kakayahan na mgbigay ng pinansyal sa kanilang mga anak na may karangalan, ang pagbibigay nila ng suporta at gabay sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay higit na mahalaga. Saludo po ako sa inyo sir."

"hnd lahat ng bata ingetira naapreciate lang ng magulang ang sipag ng anak nya for me lang sorry d tayo thesame ng pananaw.sa buhay"

"Agree. Pinapakita sa lahat na hindi kayo equal. Sa medal, masasabi ng ibang magulang sa anak nila na 'galingan mo sa susunod para ikaw naman magka medal.' Pero sa money garland, posibleng mainggit ibang mga bata, manliliit sa sarili pa ibang mga magulang. It doesn't make a difference kung bigyan ang bata na nakasobre. Let's all be equal on the stage with only the school's recognition for a student as the difference."

"I am one of those selling money garland, pano po ba sir? Sasabihan ko ho ba yung customer ko na wag mo to e sabit sa stage maam, dun na po after program. Sir I respect this post and all those who agree with you. Sir, it is not about the status. Not all my customers are rich, pero one thing in common is they are proud parents. Kung may money garland man po silang maisasabit hindi ibig sabihin mayaman o may kaya agad. Yung iba pinag.iponan at pinag handaan na ang okasyong ito para maging espesyal at memorable para sa mga anak nila. Sir, we canโ€™t tell a parent to adjust for the sake of the other kid. Kasi as a parent, all we want is the best and the happiness of our kids."

"Sa mga magulang na nag bigay nang garland money e lagay nyo nlng sa sobre kase sa totoo lang hinde pera ang kailangan ng mga anak natin . Pagmamahal at suporta."

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa guro, sinabi niyang siya ay isang guro ng Araling Panlipunan sa isang pampublikong elementary school.

Batay sa kaniyang Facebook posts ay gumagawa rin ang guro ng money bouquet at money garland.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umani na ng 17k reactions, 57k shares, at 3.4k comments ang nabanggit na post.

Ikaw, anong palagay mo tungkol dito?

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o โ€˜di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingย Facebookย atย Twitter!