Nakataas pa rin ang Signal No. 2 at 1 sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa bagyong Aghon na kasalukuyang kumikilos pahilagang-silangan sa Philippine Sea, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng umaga nitong Lunes, Mayo 27.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang typhoon Aghon 100 kilometro ang layo sa silangan timog-silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 170 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pahilagang-silangan sa bilis na 10 kilometers per hour.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Dahil dito, itinaas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon:

  • Southeastern portion ng Isabela (Dinapigue, Palanan)
  • Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)

“Minor to moderate impacts from strong winds are possible within any of the localities where Wind Signal No. 2 is hoisted.”

Samantala, nakataas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod:

Luzon:

  • Northeastern at southern portions ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian)
  • Eastern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay)
  • Southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda)
  • Mga natitirang bahagi ng Aurora
  • Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang na ang Polillo Islands, 
  • Northwestern portion ng Camarines Norte (Paracale, Jose Panganiban, Vinzons, Capalonga) kabilang na ang Calaguas Islands

“Minimal to minor impacts from strong winds are possible within any of the areas under Wind Signal No. 1,” saad naman ng PAGASA.

Base sa forecast track ng weather bureau, inaasahang lalakas pa ang bagyo sa susunod na dalawang araw habang kikilos ito pahilagang-silangan sa Philippine Sea. 

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Miyerkules ng tanghali o gabi, Mayo 29, bilang isa pa ring “typhoon.”