Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipinong patuloy na mag-ingat sa gitna ng pananalasa ng bagyong Aghon sa bansa.
“As Tropical Storm #AghonPH continues to move across our country, I urge everyone in the affected areas to stay vigilant and prioritize your safety,” mensahe ni Marcos sa isang X post nitong Linggo, Mayo 26.
Sinabi rin ng pangulo na inatasan niya ang mga ahensya ng pamahalaan na patuloy na i-monitor ang sitwasyon ng mga naapektuhan ng bagyo at magkaloob ng mga kinakailangang tulong sa mga Pilipino.
“The well-being of our people is our utmost priority. I have directed local government units, emergency services, and all relevant agencies to work tirelessly in monitoring the situation and providing necessary assistance. Food and non-food items, health services, and evacuation centers are all being mobilized to support affected communities,” ani Marcos.
“Let us all look out for one another, especially the most vulnerable members of our communities. Together, we will get through this storm.
“Stay safe, and may God bless us all,” saad pa niya.
Base sa 2:00 PM bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, kasalukuyang kumikilos ang Tropical Storm Aghon sa Mauban, Quezon.
Dahil dito, nakataas ang Signal No. 2 at 1 sa ilang mga lugar sa Luzon.