Sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Sabado, Mayo 25, kinumpirma ni Peachy Caparas ang pagpanaw ng ama niyang si si Carlo J. Caparas, sa gulang na 80.

Ngunit sino nga ba si Caparas? Bakit isa siya sa mga mahahalagang personlidad sa entertainment industry? Ano-ano ang makukulay at madidilim na bahagi ng kaniyang buhay? 

Si Caparas ay isang batikang direktor, manunulat, at manlilikha ng komiks na isinilang umano noong Marso 12, 1944 sa Pampanga. 

Sa kaniyang panayam sa &ab_channel=GMAPublicAffairs">“Tunay Na Buhay” noong 2014, ibinahagi ni Caparas ang klase ng pamumuhay na kinagisnan niya bago pa man siyang kilalanin bilang isa sa mga mahuhusay na manlilikha sa Pilipinas.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Hindi mayaman ang pinagmulan ko. Medyo madalas na nakikita ko ‘yong nagagawa ng ibang bata, ‘yong masasayang mga bata, iba ako sa kanila. Kasi medyo kapos ng konti. O kapos ng malaki,” aniya.

Dagdag pa niya: “Talagang bata pa ako, naghahanap na ng pupwedeng makatulong sa magulang, makain.”

Kaya naman hindi nakapagtataka na pagtuntong ng Grade 4 ay huminto na raw si Caparas sa pag-aaral upang makatutok sa pagtulong sa pamilya.

Sa kabila nito, nagkaroon pa rin naman daw siya ng masayang kabataan sa piling ng mga magsasaka kung saan siya nagsilbi bilang utusan.

Sa paglaon, nilikha ni Caparas ang mga kagila-gilalas na kuwento nina Panday, Totoy Bato, Bakekang, Gagambino, at Elias Paniki na walang dudang tinangkilik ng taumbayan. 

Bukod pa rito, siya rin ang utak sa likod ng pelikulang “The Vizconde Massacre” nang idirek niya ito noong 1993 at ginampanan ni “Queen of All Media” Kris Aquino.

Samantala, nabalot ng kontrobersiya ang pagkatao ni Caparas noong hirangin siya bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal at Pelikula na kalaunan ay binawi ng Korte Suprema noong 2013.

MAKI-BALITA: Carlo J. Caparas, pumanaw na