Agad na nagpaliwanag ang direktor-scriptwriter na si Ronaldo Carballo kaugnay ng Facebook post tungkol sa resulta ng Miss Universe Philippines 2024 noong Miyerkules, Mayo 22.

Nagpahayag kasi ng pagkadismaya si Carballo sa naging resulta matapos daw niyang mapuyat upang abangan kung sino ang mananalo at bagong kokoronahan. Tila hindi makapaniwala si Carballo na si Chelsea Manalo na isang Filipina-Black American ang nagwagi, na nilakipan pa niya ng salitang panlarawan na "baluga."

"Juiceku!

Nagpuyat ako sa puro commercial na Ms. Universe Philippines na yan.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Tas, isang balugang Ms. South Africa look lang ang mananalo!

Paanong nangyari yun?!" aniya.

Para sa direktor-writer, ang pambato ng Cainta, Rizal na si Stacey Gabriel ang dapat na nagwagi, subalit siya ang first runner up ni Manalo.

"Ms. Cainta ang bet ko from the start of the Pageant.

Maganda; sexy; at intelligent.

Maganda magsalita; walang backel;

Spontaneous.

Effortless.

Natural.

Pang-Ms. Universe talaga!

Kung sya ang nag-win, malaki ang chance ng Pinas sa Ms. Universe!" giit ni Carballo.

Saad pa niya, palagay niya ay hindi man lang papasok sa top 20 ng aktuwal na Miss Universe pageant si Manalo. "Nabuwisit" din siya sa mga nagsilbing hurado ng beaucon.

"Mark word, ni hindi papasok yang si Ms. Bulacan sa top 20 ng Ms. Universe!

Andali namang i-judge, eh!

Sinayang na naman nila ang chance na magkaroon uli sana ng ika-limang Ms. Universe ang Pilipinas, with Ms. Cainta na queenly'ng queenly ang aura at kabuuan nya.

Buwisit na mga judges yan!"

Photo courtesy: Ronaldo Carballo (FB)

Makalipas ang isang araw, muling nag-post si Carballo sa kaniyang Facebook, na nagbabalitang marami raw siyang natanggap na spam messages kaugnay ng kaniyang saloobin sa timpalak.

Aniya, hindi naman daw niya nilait si manalo, bagkus ay sinabi lamang niya ang kaniyang opinyon. Kung mabibigyan nga raw siya ng pagkakataong makaharap ang MUPH, iko-congratulate niya ito.

Maging si Gabriel daw na siyang pambato niya ay hindi rin niya kilala nang personal.

Nagkataon nga lang daw na hindi niya bet si Manalo at ibang kandidata ang napusuan niya. Nirerespeto rin niya ang naging desisyon ng mga hurado.

Sa huli, sinabi ni Carballo na wala siyang balak makipag-away sa mga netizen na bumibira sa kaniya sa pamamagitan ng private messages.

Narito ang kaniyang buong Facebook post:

"Libo yata ang spam messages ko, mula sa mga taong nagdudunung-dunungan.

Kinukuwestyon nila ko, komo hindi pumapabor sa kanila ang aking opinyon.

Bakit daw negative ang reaksyon ko sa pagkapanalo ng Ms. Bulacan sa Ms. Universe Philippines 2024?

Eh, kayo, bakit nyo sya gusto?

Ganun lang yun.

A matter of taste.

Kani-kanya lang tayo ng bet.

Nothing personal.

Hindi ko naman sya kilala at all.

Ang reaksyon ko ay base lang sa resulta ng Pageant.

Pero incase makita ko sya ng personal at may pagkakataon, I will congratulate her sincerely bilang Ms. Universe Philippines, gayung sya ang napiling mag-represent ng Pilipinas sa Ms. Universe Pageant sa Mexico City.

Hindi ko sya nilalait.

Honest lang ako sa feeling ko na hindi sya lalabas sa Ms. Universe Pageant sa Mexico.

Feeling ko, ni hindi sya lalabas sa Top 20.

Feeling ko lang yun.

Opinyon ko lang yun.

Hindi ba, kaya naman pumipili ng Ms. Universe Philippines na ipadadala sa Ms. Universe Pageant, upang masungkit uli ng Pilipinas ang Ika-limang Ms. Universe title?

Sa ganitong layunin, hindi ko maarok, bakit sya?

Again, walang personalan.

Opinyon at pakiramdam ko lang yan.

Maaaring ayaw nyo ang opinyon ko, pakialam ko naman sa inyo?

Hindi ko naman kayo pinipigilan sa kung sinong bet nyo at anong opinyon nyo.

I respect your opinion.

Respetuhan lang tayo ng bet at opinyon.

Bet ko ang Ms. Cainta na hindi ko rin kilala at all.

Ni hindi ko rin nga mimoryado ang pangalan niya, eh.

Hindi sya ang nag-Ms. Universe.

First runner-up lang sya.

Eh di okey lang.

Anong magagawa ko?

Audience lang ako.

I respect the decision of the Judges.

And I know, it is final.

Muli, ang opinyon ko ay wala talagang personalan.

Objective lang ako sa kahihinatnan ng Pilipinas sa Ms. Universe Pageant.

Base lang lahat ang opinyon ko sa panonood ko ng Pageant.

So far, hindi pa ko nagkamali in the past results:

Nung sinabi kong magiging Ms. Universe sina Katriona Grey at Pia Wurtzbach sa magkaibang taon, naging Ms. Universe nga sila talaga.

Yung lahat din nang sinabihan kong, "She wouldn't make it at the Ms. Universe", hindi rin sila talaga lahat nagwagi.

Andali naman kaseng i-judge ng Ms. Universe Pageant.

Pero viewer lang ako.

Hindi ako Judge.

So, kung anuman ang maging resulta, I always respect the Judges' decision.

So, yun lang.

Dahil hindi ko sila kilala lahat, nagbabase ako sa sarili kong taste; sarili kong pakiramdam at sarili kong judging sa bawat kandidata.

Igalang nyo ang opinyon ko, I will respect yours also.

Wag tayong magbastusan dahil sa kani-kanya nating bet at opinyon.

Para maging matalino at makabuluhan naman ang pagi-FB nyo.

Kung may sarili kayong opinyon, eh di i-post nyo rin sa sarili nyong wall.

Wag kayong mga bobong basta nagagalit at nang-aaway.

Andali ko kayong i-block, mga toxic FB people.

Disente at edukado lang ako talagang tao, kaya di ako pumapatol sa mga taong one sided; hindi objective; fan mentality; at makikipot ang utak."