Pumanaw na ang batikang direktor, manunulat, at manlilikha ng komiks na si Carlo J. Caparas, sa gulang na 80.

Sa kumpirmasyon ng kaniyang anak na si Peach Caparas, sinabi niyang pumanaw ang ama nitong Sabado ng gabi, Mayo 25.

Narito ang kaniyang buong Facebook post:

"SA BAWAT TIPA NG MAKINILYA

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

an ode to Direk Carlo J.

Halos umaga na, sa libliban ng Ugong

isang makinilya, pilitang binabasag ang katahimikan roon.

Isang mananalaysay ng kwento ng buhay, nilalabanan ang antok, nagsusunog ng kilay.

Sa kanyang taglay na brilyo mga obra maestrang nobela kanyang nabuo.

Panday, Pieta, Elias Paniki, Bakekang, Totoy Bato ang ilan lamang sa mga ito.

Sa larangan ng komiks siya ang naghari, naging bahagi ng kultura, naging yaman ng lahi.

Umabot sa lona ng pinilakang tabing, hinangaan, pinalakpakan ng bayang magiting.

Subalit buhay ay sadyang may wakas…

“Pack up na Direk”. Oras na ng uwian.

Hayaang kasaysayan ang humusga sa iyong mga obra.

Salamat Direk Carlo J. sa mga dibuho at istorya.

Mga istoryang nabuo sa bawat tipa ng iyong makinilya…

Carlo J. Caparas

1944 - 2024."

Aniya, labis niyang mami-miss ang kaniyang ama at hindi lamang siya, kundi ng iba pang humahanga sa kaniyang kakayahan.

"Dad, you will forever be loved, cherished, and honored…by all of us.

Love,

The children of a King 👑 ."

Sa comment section ng post, nagbigay ng detalye si Peach kaugnay ng burol, para sa mga nagnanais makiramay at magbigay-pugay kay Caparas.

"Official wake will start on Monday, May 27, 2024, from 12pm to 12mn, at the Golden Haven Memorial Chapels and Crematorium, Villar Sipag, C5 Extension Road, Brgy. Manuyo Dos, Las Pinas. Chapel name is Conservatorio II.

Flowers are welcome to be received as early as tomorrow, May 26," aniya.

Kinumpirma rin ito ng kaniyang kaibigang si action star na si Sen. Lito Lapid.

"Taus-pusong pakikiramay sa buong pamilyang Caparas. Paalam, Carlo J. Caparas," caption ng senador sa kaniyang tribute post.

Si Carlo J. Caparas ay isang kilalang Pilipinong manunulat, direktor, at producer na tanyag sa larangan ng komiks at pelikula. Nagsimula siya bilang isang manunulat ng komiks, bago pa man ito ma-adapt sa pelikula at telebisyon. Ilan dito ay ang "Panday," "Totoy Bato," at "Joaquin Bordado."