Mas lumakas pa ang bagyong Aghon at isa na itong ganap na “severe tropical storm,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 5:00 ng hapon nitong Linggo, Mayo 26.
Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang severe tropical storm Aghon sa coastal waters ng Mauban, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 130 kilometers per hour.
Mabagal na kumikilos ang bagyo pahilagang-silangan.
Dahil dito, nakataas ang Signal No. 3 sa silangang bahagi ng Quezon (Infanta, Real, Mauban) kabilang na ang Polillo Islands (Panukulan, Burdeos, Patnanungan, at Polillo).
“Moderate to significant impacts from storm-force winds are possible within any of the areas where Wind Signal No. 3 is hoisted,” anang PAGASA.
Nasa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:
Luzon:
- Aurora
- Northern at central portions ng Quezon (Alabat, Perez, Quezon, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Unisan, Pitogo, Plaridel, Agdangan, Padre Burgos, Atimonan, General Nakar, Sampaloc, Pagbilao, Calauag, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Tiaong, Candelaria, Sariaya, Dolores, San Antonio, Jomalig)
- Laguna
- Eastern portion ng Batangas (City of Tanauan, San Jose, Lipa City, Mataasnakahoy, Balete, Malvar, Santo Tomas, Cuenca, San Pascual, Batangas City, Ibaan, Padre Garcia, Rosario, San Juan, Taysan, Lobo)
- Eastern at central portions ng Rizal (Jala-Jala, Pililla, Tanay, Cardona, Binangonan, Morong, Baras, Rodriguez, City of Antipolo, Teresa)
- Northern portion ng Camarines Norte (Santa Elena, Capalonga)
“Minor to moderate impacts from strong winds are possible within any of the localities where Wind Signal No. 2 is hoisted.”
Samantala, nakataas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod:
Luzon:
- Metro Manila
- Eastern portion ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian, Palanan, Dinapigue)
- Eastern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay)
- Southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte)
- Eastern at southern portions ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Laur, Palayan City, Peñaranda, San Leonardo, City of Gapan, Cabanatuan City, Santa Rosa, San Isidro, Cabiao, San Antonio, Jaen, Zaragoza, Aliaga, Talavera, Llanera)
- Southern portion ng Bataan (Orani, Samal, City of Balanga, Abucay, Pilar, Orion, Limay, Mariveles, Bagac)
- Eastern portion ng Pampanga (Candaba, San Luis, San Simon, Apalit, Santa Ana, Arayat, Mexico, Santa Rita, Guagua, Sasmuan, Macabebe, Masantol, Santo Tomas, Minalin, City of San Fernando, Bacolor, Lubao)
- Bulacan
- Mga natitirang bahagi ng Quezon
- Mga natitirang bahagi ng Rizal
- Mga natitirang bahagi ng Batangas
- Northern at central portions ng Oriental Mindoro (Pinamalayan, Pola, Naujan, Victoria, Socorro, City of Calapan, Bansud, Gloria, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong)
- Marinduque
- Extreme northern portion ng Romblon (Concepcion, Corcuera, Banton)
- Mga natitirang bahagi ng Camarines Norte
- Camarines Sur
“Minimal to minor impacts from strong winds are possible within any of the areas under Wind Signal No. 1,” saad naman ng PAGASA.
Base sa forecast track ng weather bureau, inaasahang lalakas pa ang bagyo at aabot sa “typhoon” category bukas ng tanghali, Lunes, Mayo 27.
Posibleng naman itong lalabas ng PAR sa Miyerkules, Mayo 29.