Inanunsyo ng isang neuroscience at biomedical engineering startup company na magiging posible na umano ang “head transplant” o ang paglilipat ng ulo ng isang indibidwal sa katawan ng ibang tao.

Lumikha umano ang neuroscience at biomedical engineering startup na “BrainBridge” ng isang “AI-mechanized system” para maging posible ang pagsasagawa ng head transplants.

Ang magiging procedure daw ng naturang pambihirang “medical breakthrough” na “BainBridge concept” ay aalisin ang ulo ng isang tao mula sa patay na nitong katawan, at ikakabit naman ang naturang ulo sa isang “healthy brain-dead donor.”

“BrainBridge is the world’s first revolutionary concept for head transplant system, employing cutting-edge robotics and artificial intelligence to ensure successful head and face transplantation procedures with improved outcomes and faster recoveries,” anang BrainBridge sa kanilang website.

Tourism

'No. 1 most traveled Filipino citizen globally' sinalubong sa Mactan airport

“We are developing the world’s first head transplant system, a groundbreaking device that will represent a landmark achievement in the fields of neuroscience, human engineering, and artificial intelligence,” saad pa nito.

Ipinaliwanag naman ng molecular biologist at science communicator na si Hashem Al-Ghaili, na nasa likod daw ng naturang proyekto, na makatutulong umano ang “head transplants” sa mga indibidwal na may mga sakit tulad ng terminal cancer at paralysis.

“Head transplants could provide individuals with severe medical conditions, such as terminal cancer, paralysis, spinal cord injuries or neurodegenerative diseases, the opportunity to have a fully functional body while preserving their consciousness, memories, and cognitive abilities,” ani AI-Ghaili sa isang Facebook post, habang inihayag din ang magiging step-by-step procedure umano ng head transplant.

“The BrainBridge concept involves the use of the integrated robotics platform comprised of the two autonomous surgical robots designed to perform simultaneous surgeries on two bodies, side by side, within a single setup,” dagdag pa niya. 

Iginiit din ni AI-Ghaili na ang kanila raw nasabing konsepto ay alinsunod sa lehitimong mga pag-aaral.

Inihayag naman ng BrainBridge na inaasahan umanong isagawa na ang kauna-unahang procedure ng “head transplant” sa loob ng walong taon.

Isinapubliko na rin umano nila kaagad ang konsepto upang makaakit ng “top scientists” para sa kanilang proyekto.