Nilinaw ni GMA trivia master-TV host Kim Atienza na hindi pa na-expel ang anak niyang si Eliana Atienza sa University of Pennsylvania, kundi nabigyan lamang ng disciplinary action dahil sa pagsali sa rally na pumapabor sa Palestine. Muli raw makababalik ang anak sa susunod na semestre matapos ang summer break.

Ayon sa panayam ng GMA News Online kay Kuya Kim, sinabi niyang matibay ang paninindigan at sadyang matapang ang anak pagdating sa mga isyung panlipunan.

Hindi raw suportado ng anak ang "genocide" o pagpatay batay sa lahi o bansang kinabibilangan para lang mangibabaw sa kapangyarihan, na nangyayari nga sa girian sa pagitan ng Palestine at Israel.

Suportado raw ni Kuya Kim at ng kanilang pamilya ang anak sa kung anuman ang mga ipinaglalaban niya.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"Anti-genocide siya. My daughter has been very vocal about what she believes in and part siya ng anti-genocide and anti-war organization."

“The family has been very supportive of her, and since we know she is fighting for human rights. Matapang siya eh," aniya pa.

MAKI-BALITA: Anak ni Kim Atienza banned sa dorm, paaralan sa US; anyare?