Naglabas ng pormal na pahayag ang Philippine Entertainment Portal (PEP) kaugnay sa kasong 78 counts of cyber libel via four complaints” ni dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair Liza Diño sa editor at writer ng umano'y malisyosong artikulo laban sa kaniya, na pumapaksa sa kaniyang pamamahala sa FDCP.

MAKI-BALITA: Liza Diño, naghain ng cyberlibel cases laban sa isang entertainment website

Sa official social media platforms ng PEP ay mababasa ang kanilang reaksiyon kaugnay sa kasong inihain laban sa kanila ni Liza, sa Office of the Prosecutor sa Quezon City.

Saad nila, wala pa silang hawak o kopya ng mga dokumentong isinumite ni Liza sa Office of the Prosecutor kaya hindi pa sila makapagbigay ng komento tungkol dito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"In the event that such papers or documents are received, PEP.ph intends to avail of any and all legal remedies available to it, and shall intently cooperate with the QC OCP for the proper resolution of the said complaint," saad ng PEP sa pamamagitan ng kanilang legal counsels.

Bukod sa PEP, inireklamo rin ni Liza ang kapwa dating FCP chair-actor na si Tirso Cruz III at kasalukuyang chair nito na si Direk Jose Javier Reyes.

MAKI-BALITA: Liza Diño, naghain ng cyberlibel case laban kina Tirso Cruz III, Jose Javier Reyes