Handa raw makipag-ugnayan sa simbahan ang mga opisyal ng Barangay Bued sa Calasiao Pangasinan dahil madalas umano ang aksidente sa national highway rito, na daanan papuntang Dagupan at Western Pangasinan.

Sa ulat ng ABS-CBN news, ngayong buwan pa lamang ng Mayo ay umaabot na sa 10 banggaan ang naitala sa barangay, kadalasan daw ay mga truck at mga motorsiklo.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Ikinaalarma raw ito ng mga opisyal ng barangay kaya nakipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng Calasiao, partikular sa 2nd Engineering District.

Nagpagawa na rin umano ng mga road safety signage na ilalagay pansamantala sa accident-prone area.

Dagdag pa ng ulat, handa rin umano silang makipag-ugnayan sa simbahan upang mabasbasan ang kalsada sa lalong madaling panahon.