Nagulat daw ang 19-anyos na anak ni GMA trivia master-TV host Kim Atienza na si Eliana Atienza nang paalisin siya sa tinutuluyang dormitoryo at suspindihin ng paaralang pinapasukan sa Amerika matapos magpakita ng suporta sa Palestine kontra sigalot nito sa Israel.

Sa panayam ng GMA Integrated News kay Eliana, sinabi niyang isa siya sa mga nag-organisa ng encampment activity sa University of Pennsylvania, at nang mapag-alaman daw ng pamunuan na isa siya sa mga nasa likod nito, ipinagbawal daw ang pagtuntong niya sa vicinity ng pamantasan kasama ang lima pang campus leaders.

Dahil nasa loob nito ang student dormitory na kaniyang tinutuluyan, hindi rin siya nakapasok sa dorm building.

“I’ve been a protester and an activist for a long time at Penn. I still do climate change protests but I have gotten very very involved to the Palestine organization,” paliwanag niya.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Nagkataon namang gabi sa Pilipinas nang mga sandaling nangyari ito.

Sa panayam naman kay Kuya Kim, sinabi niyang buo ang suporta niya at ng kanilang buong pamilya sa anak.

"Anti-genocide siya. My daughter has been very vocal about what she believes in and part siya ng anti-genocide and anti-war organization,” aniya.

“The family has been very supportive of her, and since we know she is fighting for human rights. Matapang siya eh," dagdag pa niya.