Patuloy pa rin ang pagkilos ng bagyong Aghon pahilagang-kanluran at sa kasalukuyan ay nasa karagatan na ito ng lalawigan ng Samar, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 8:00 ng umaga nitong Sabado, Mayo 25.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang tropical depression Aghon sa coastal waters ng Calbayog City, Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 85 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pahilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.

Internasyonal

DFA, nanawagang itigil ang karahasan sa Syria

Dahil dito, itinaas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon:

  • Aurora
  • Polillo Islands
  • Northern at southeastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Lopez, Buenavista, Catanauan, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres, Tagkawayan, Gumaca, Quezon, Alabat, Perez, Plaridel, Pitogo, Macalelon, General Luna, Atimonan, Unisan, Mauban, Real, Infanta, General Nakar, Padre Burgos, Agdangan)
  • Eastern portion ng Romblon (Cajidiocan, Magdiwang, San Fernando, Romblon)
  • Eastern portion ng Marinduque (Santa Cruz, Torrijos)
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Masbate kabilang na ang Burias at Ticao Islands

Visayas

  • Northern Samar
  • Samar
  • Eastern Samar
  • Biliran
  • Northern portion ng Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Dulag, Capoocan, Alangalang, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo)
  • Extreme northern portion ng Cebu (San Remigio, Tabogon, City of Bogo, Medellin, Daanbantayan, Borbon) kabilang na ang Camotes at Bantayan Islands

Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ang mga lugar na nasa Signal No. 1 ng maulap na kalangitan na may kasamang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin.

Inaasahan umanong lalakas pa ang bagyo at posibleng umabot sa “typhoon” category pagsapit ng Martes, Mayo 28, bago ito tuluyang lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR).