Napanatili ng bagyong Aghon ang lakas nito habang kasalukuyan nang binabaybay ang katubigang sakop ng Northern Samar, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng umaga nitong Sabado, Mayo 25.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang tropical depression Aghon sa coastal waters ng San Vicente, Northern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 85 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo pahilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.

National

PBBM, masayang ligtas si Donald Trump mula sa 'assassination attempt'

Dahil dito, itinaas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon:

  • Eastern portion ng Bulacan (Norzagaray, Doña Remedios Trinidad, City of San Jose del Monte)
  • Eastern portion ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon)
  • Aurora
  • Northern at southeastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Lopez, Buenavista, Catanauan, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres, Tagkawayan, Gumaca, Quezon, Alabat, Perez, Plaridel, Pitogo, Macalelon, General Luna, Atimonan, Unisan, Mauban, Real, Infanta, General Nakar, Padre Burgos, Agdangan, Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Pagbilao, Lucena City) kabilang na ang Polillo Islands
  • Eastern portion ng Laguna (Majayjay, Magdalena, Pagsanjan, Santa Cruz, Luisiana, Cavinti, Lumban, Kalayaan, Paete, Pangil, Siniloan, Mabitac, Santa Maria, Famy, Pakil)
  • Eastern portion ng Rizal (City of Antipolo, Rodriguez, Tanay, Baras, Jala-Jala, Pililla, Morong, Teresa, San Mateo)
  • Eastern portion ng Romblon (Cajidiocan, Magdiwang, San Fernando, Romblon, Corcuera, Banton)
  • Marinduque
  • Sorsogon
  • Albay
  • Catanduanes
  • Camarines Sur
  • Camarines Norte
  • Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands

Visayas

  • Northern Samar
  • Samar
  • Eastern Samar (Can-Avid, Maslog, City of Borongan, San Policarpo, Taft, Llorente, Maydolong, Dolores, Jipapad, Oras, Arteche, Balangkayan, Sulat, San Julian, Lawaan, Balangiga, General Macarthur, Giporlos, Quinapondan, Hernani)
  • Biliran
  • Northern portion ng Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, San Isidro, Santa Fe, Villaba, Palompon, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Capoocan, Alangalang, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo)
  • Extreme northern portion ng Cebu (San Remigio, Tabogon, City of Bogo, Medellin, Daanbantayan, Borbon) kabilang na ang Bantayan Islands 

Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ang mga lugar na nasa Signal No. 1 ng maulap na kalangitan na may kasamang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin.

Inaasahan naman umanong lalakas pa ang bagyo at posibleng umabot sa “typhoon” category pagsapit ng Martes ng gabi, Mayo 28, o Miyerkules ng umaga, Mayo 29. 

“The highest possible Wind Signal that may be hoisted during the passage of AGHON is Wind Signal No. 2,” anang PAGASA.

Inaasahan umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo hanggang sa Martes.