Nakataas sa Signal No. 1 ang Metro Manila at 18 iba pang lugar sa bansa dahil sa bagyong Aghon na bahagya namang humina, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 2:00 ng hapon nitong Sabado, Mayo 25.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang tropical depression Aghon sa coastal waters ng Sibuyan Island.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.

Dahil dito, itinaas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon:

  • Metro Manila
  • Aurora
  • Eastern portion ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon)
  • Eastern portion ng Bulacan (Norzagaray, Doña Remedios Trinidad, City of San Jose del Monte)
  • Quezon kabilang na ang Polillo Islands
  • Romblon (Cajidiocan, Magdiwang, San Fernando, Romblon, Corcuera, Banton, San Agustin, San Andres, Calatrava, Concepcion)
  • Marinduque
  • Laguna
  • Rizal
  • Oriental Mindoro (Pinamalayan, Pola, Naujan, Victoria, Socorro, City of Calapan)
  • Batangas (Lobo, Taysan, Rosario, Padre Garcia, San Juan, Santo Tomas)
  • Sorsogon
  • Albay
  • Catanduanes
  • Camarines Sur
  • Camarines Norte
  • Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands

Visayas:

  • Northern portion ng Northern Samar (Rosario, Biri, San Isidro, Capul, San Vicente, Victoria, Lavezares, San Antonio, San Jose, Allen, Bobon) 
  • Northern portion ng Samar (Tagapul-An)

Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ang mga lugar na nasa Signal No. 1 ng maulap na kalangitan na may kasamang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin.

Inaasahan naman umanong lalakas pa ang bagyo at posibleng umabot sa “typhoon” category pagsapit ng Martes ng gabi, Mayo 28, o Miyerkules ng umaga, Mayo 29. 

“The highest possible Wind Signal that may be hoisted during the passage of AGHON is Wind Signal No. 2,” anang PAGASA.

Inaasahan umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo hanggang sa Martes.