Kabilang ang “It’s Showtime” kids sa mga bagong cast ng nalalapit na pagbabalik ng sketch comedy TV series na “Goin’ Bulilit.”

Sa ulat ng ABS-CBN News kamakailan, makakasama umano ng mga matatanggap sa audition ng naturang sketch comedy sina Argus, Kulot, Jaze, Imogen at Kelsey na ayon sa creator nito na si Bobot Mortiz ay magagaling daw talaga.

"Hindi ko pa sila nami-meet pero alam kong magagaling sila. Maganda 'yan kasi masasalihan natin ng ibang bata na magaling talaga," saad ni Bobot.

Pero kanina lang, sa latest episode ng “It’s Showtime” nitong Miyerkules, Mayo 24, nagkita-kita na sina Bobot at ‘Showtime’ kids.

Teleserye

'Paki-cancel po ang swimming!'Harutan nina Kyle, Daniela sa ilog, usap-usapan

"Nagulat ako kasi biglaan nga. Pero nakakatuwa naman na maraming excited na mga bata. Ang tagal nawala ang Goin' Bulilit," wika niya. 

Dagdag pa niya: "Aaminin ko, no’ng nawala ‘to kung saan-saan ko 'to inalok, gusto kong gumawa talaga ng 'Bulilit.' Siguro kaya hindi natuloy noon kasi eto talaga siya."

Matatandaang inilabas na ng ABS-CBN ang detalye tungkol sa mga kailangang dalhin sa gaganaping audition sa darating na Sabado, Mayo 25.

MAKI-BALITA: Audition para sa bagong cast ng ‘Goin’ Bulilit,’ bukas na!