Naniniwala si Senate President Francis "Chiz" Escudero na ang “burden of proof” ay nasa mga taong nagsasabing hindi Pilipino si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa ginanap na “Kapihan sa Senado” nitong Huwebes, Mayo 23, sinabi ni Escudero na may rason upang pagdudahan ang identidad ni Guo, ngunit dapat daw patunayan na hindi talaga ito Pilipino.

“Oo may rason para mag-alanganin tayo, pero ang presumption ay nananatilli pa rin. Siya ay nakatakbo, siya’y registered voter, may passport siya, na Pilipino siya. Nasa nagsasabing hindi na patunayan ‘yun,” saad ni Escudero.

Binanggit din ng pangulo ng Senador na ang Solicitor General lamang ang maaaring magkuwestiyon ng citizenship at kwalipikasyon bilang mayor ni Guo sa pamamagitan ng quo warranto petition.

National

Mga magulang ni Alice Guo, walang record of birth at marriage

“Walang kapangyarihan ang Comelec na i-disqualify siya sa puntong ito,” ani Escudero.

Samantala, binanggit din ng senador ang naging kaso ni Senador Grace Poe, na inampon nina Fernando Poe Jr. at Susan Roces at walang nakakakilala sa kaniyang tunay na mga magulang. Mula rito ay humantong daw sa Korte Suprema na ituring si Poe na isang “foundling.”

“Sa kaso ni Senator Poe, hindi nga kilala ‘yung kaniyang nanay at tatay, that’s why foundling… But the Supreme Court declared presumptively that she’s a citizen, kasi hindi mo pwedeng i-deprive ng citizenship ang bata, ‘yun ang sabi nila,” saad ni Escudero.

Kaya naman, anang Senate president, dapat daw mapatunayan na hindi talaga Pilipino si Guo.

“Patunayan ninyong hindi. Hindi pwedeng: ‘Ay, hindi namin alam kung sino ang nanay [niya], at tatay ay Chinese, Chinese siguro ‘yan’,” ani Escudero.

“There is a basic principle in law: He who alleges must prove the same. ‘Yung nag-a-allege na hindi [siya Pilipino], dapat patunayan. Kung mapatunayan, eh ‘di dapat tanggalin," saad pa niya.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ang pagkakakilanlan ni Guo at ang pagkakadawit niya sa ni-raid na isang Philippine offshore gaming operation (POGO) sa Bamban.

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2024/05/20/guo-pinatatanggalan-ng-kapangyarihang-pangasiwaan-ang-bamban-police/

https://balita.net.ph/2024/05/19/pbbm-nag-react-sa-kumakalat-na-mga-larawan-nila-ni-mayor-alice-guo/