Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa mga opisyal ng paaralan, mga guro, at sa publiko hinggil sa kumakalat na pekeng graduation message ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Mayo 23, inihayag ng DepEd na kumakalat sa social media ang naturang pekeng mensahe ni Duterte para sa graduation.

“DepEd reminds everyone to stay vigilant against misinformation and verify documents to proper offices and official agency platforms,” anang DepEd.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng ahensya na ilalathala lamang nila ang kanilang mga anunsyo at iba pang impormasyon sa kanilang social media platforms tulad ng Facebook, X (dating Twitter), Instagram, at website.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Please report any misleading and suspicious information about basic education to [email protected],” saad ng DepEd.