Hindi nakaligtas sa mga Pinoy na netizen ang ilan sa "bloopers" sa naganap na coronation night ng "Miss Universe Philippines 2024" na ginanap nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 22, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Trending sa X ang "#MissUniversePhilippines2024" gayundin ang pangalan ng iba't ibang matunog na kandidata, na umpisa pa lamang ay "manok" na ng karamihan.

Dahil live show ito, natural lang ang iba't ibang "bloopers" na pinulutan na ng netizens sa social media, na simultaneous na nangyayari habang pinapanood ito.

Bukod sa "pasigaw" raw na delivery ng isa sa mga host nitong si Kapuso Star Alden Richards, saksakan ng daming commercial loads kaya halos madaling-araw na natapos, hindi na-edit na logo ng "CapCut" sa dulo ng advocacy video presentation, at ilan pang "kamot-ulo" na eksena sa kompetisyon, kinaaliwan din ang naging hitsura ng itinanghal na Miss Universe Philippines 2024 na si Chelsea Anne Manalo mula sa Bulacan nang iputong na sa kaniya ni outgoing Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ang korona.

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

As usual, pinagkatuwaan ito sa social media ng netizens.

Hindi kasi nag-swak nang maigi sa kaniyang ulo ang Miss Universe PH crown kaya nagmukha raw siyang pinya. May mga nagsabi pang ang galing daw mag-balanse ni Chelsea dahil hindi ito nahulog mula sa kaniya ulo.

Sa mga sumunod na eksena ay naayos naman na ang korona sa kaniyang ulo.

Nag-react naman dit si Michelle sa pamamagitan ng X post.

"The crowning moment though šŸ™ˆ"

"Ayan ā£ļø"

"At least I fixed it šŸ˜…šŸ„¹" aniya sa X posts.

Lalaban at kakatawanin ni Chelsea ang buong Pilipinas sa darating na Setyembre sa bansang Mexico.

MAKI-BALITA: Bakit ā€˜dark horseā€™ ang bagong Miss Universe PH 2024 na si Chelsea Manalo?

Samantala, narito naman ang iba pang mga nagwagi sa nabanggit na kompetisyon:

1st runner-up: Stacey Daniella Gabriel (Cainta)

2nd runner-up: Maria Ahtisa Manalo (Quezon Province)

3rd runner-up: Justine Tarah Marie Valencia (Baguio)

4th runner-up: Christi Lynn McGarry (Taguig)

Matapos ang anunsyo, apat sa kanila ang binigyan ng titulo gaya nina Miss Iloilo Alexie Brooks bilang Miss Eco International Philippines, Miss Pampanga Cyrille Payumo bilang Miss Charm Philippines, ang 2nd-runner up na si Maria Ahtisa Manalo ng Quezon Province bilang Miss Cosmo Philippines, at si Tarah Valencia ng Baguio bilang Miss Supranational Philippines.