Wala pa ring plano ang Department of Health (DOH) na irekomenda ang pagpapatupad ng border control o travel restrictions sa bansa.

Ito'y sa kabila nang napapaulat na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Singapore.

Sa isang public briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na wala rin silang planong imungkahi ang pagpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face masks ng publiko.

“’I’m not thinking border control, mandatory mask…,”pahayag pa ng kalihim.

Matatandaang napaulat na dumoble ang mga kaso ng Covid-19 na naitatala Singapore nitong mga nakalipas na araw.

Kinumpirma na rin naman ng DOH na nakakapagtala sila ng bahagyang pagtaas ng Covid-19 dito sa bansa.

Gayunman, tiniyak na DOH na walang dapat na ipangamba rito ang publiko dahil nananatili pa ring nasa low risk classification ang Pilipinas.