Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa pamilya at mga kaibigan ng isang Grade 5 student sa Alfonso, Cavite na nasawi noong Lunes, Mayo 20.

Sa Facebook post ng DepEd nitong Miyerkules ng hapon, Mayo 22, sinabi nilang nakikipag-ugnayan na raw ang School Division Office sa pamilya ng biktima para sa kinakailangang tulong.

“We extend our sincerest condolences to the bereaved family and friends of the victim. The concerned Schools Division Office has reached out to the family for necessary assistance during this time of grief,” pahayag ng DepEd.

Dagdag pa nila: “Likewise, we are monitoring the status of the four other classmates involved in the said accident. School officials are already in coordination the local government unit, for medical assistance and the conduct of psychological first aid to the affected learners.”

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ayon sa ulat, nasawi umano ang biktimang si alyas “Criszel,” 12 anyos, matapos gumuho ang septic tank kung saan naroon ang concrete chair na inuupuan nila ng tatlo niyang kasama habang nagtatanghalian.

Isinugod pa umano sa ospital si “Criszel” pero idineklara siyang dead on arrival habang ang iba naman niyang kasama ay nagtamo ng bahagyang pinsala sa katawan.

Sa kasalukuyan, nakikipagtulungan na raw ang DepEd sa mga awtoridad para makapagsagawa ng masusing imbestigasyon sa naturang insidente.