Nagpahayag ng suporta si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa bagong pangulo ng Senado na si Senador Chiz Escudero nitong Martes, Mayo 21.

“I extend my support to the new Senate President, Chiz Escudero. His legislative record and commitment to public service have distinguished him as a dedicated leader,” saad ni PBBM sa kaniyang X post.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

“Senator Chiz steps into this role following the commendable tenure of Senator Migz Zubiri, and I am confident that under his leadership, the Senate will continue to prioritize transformative laws to achieve our shared vision for a Bagong Pilipinas,” dagdag pa niya.

screenshot Bongbong Marcos/X

Nitong Lunes, Mayo 20, bumaba sa puwesto bilang Senate President si Senador Migz Zubiri.

“Today, I offer my resignation as Senate President, and upon stepping down, I vow to serve as an independent member of the Senate—my allegiance, as ever, belonging to no one but the people. I leave with my head held high, knowing I did what is right for the Senate and for the nation.”

“I failed to follow instructions from the powers that be, simple as that,” saad niya.

BASAHIN: Zubiri, nagbitiw na sa pwesto bilang Senate President

Matapos ang pagbibitiw, pinalitan siya ni Escudero. Si Escudero lamang ang ni-nominate ng mga senador sa naturang pwesto, dahilan kaya’t siya na ang iniluklok sa pwesto.

BASAHIN: Matapos magbitiw: Zubiri, pinalitan ni Escudero bilang Senate president

Mismong araw ng pagkaluklok, nanumpa na rin ang bagong Senate President kasama ang kaniyang asawa na si Heart Evangelista-Escudero.

BASAHIN: Escudero, nanumpa na bilang bagong Senate president