Nagbigay ng reaksiyon at komento ang mga netizen sa naging pahayag ni Kapamilya actress Loisa Andalio tungkol sa solo traveling o paglalakbay nang nag-iisa.

Sa ulat kasi ng PEP tungkol sa saloobin at pananaw ni Loisa sa solo traveling, sinabi niyang mas prefer daw niyang may kasama lalo na ang taong mahal niya.

Bagama't para sa iba ay "therapeutic" ang pagta-travel mag-isa, para kay Loisa at boyfriend na si Ronnie Alonte, mas enjoy pa rin kapag hindi ka nag-iisa.

"Siyempre mas naa-appreciate natin 'yong napupuntahan natin kapag mahal natin 'yong kasama natin. Gumaganda rin 'yong view dahil sa kasama natin," ani Loisa.

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

Hindi raw maintindihan ni Loisa ang mga taong nagsosolo travel.

"Minsan kasi, ang ano lang, hindi ko maintindihan 'yong mga tao na nagsosolo travel— parang ang lungkot. Kasi, sino 'yong kabatuhan mo na 'Ang ganda ng view'? Grabe 'yong pinagdadaanan talaga siguro nila para gusto nilang magiging solo na lang," paliwanag pa niya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Parang may hinanakit sa mga solo traveler ah? Mas okay nga 'yong solo wala hantayan na mangyayari lalo na kapag may mga lakad kayo as a group."

"Masaya kaya ang solo traveling kasi ikaw lang ang iintindi sa sarili mo at sa gusto mong puntahan."

"May point naman din kasi. Mas masaya naman talagang may kasamang mag-travel."

"Tama rin naman, kaya lang, try mo mag-solo travel para mas maintindihan mo."

"Ms. #LoisaAndalio, sure ka na ba dyan? Final answer?! Hahahahaha. Solo traveler here, ako nga pla yung ‘Malungkot’ and ‘may pinagdadaanan sa buhay’ as you quoted. But sorry, I refuse to accept that. Your adjectives of solo traveler are too vague and shallow or rather tactless. You seriously need enlightenment and schooling here girl. Solo traveling is the ultimate freedom, flexibility and adventures. In that freedom and infinite possibility, I found myself."

"Bakit mo poproblemahin kaming solo traveler? Kami nga walang problema. Happy to travel solo."

"Well, masaya rin naman talagang may kasama sa travel lalo na kapag mahal mo sa buhay, pero iba rin ang ligayang dulot ng solo travel. Try mo minsan, wala naman mawawala."

Ikaw, anong masasabi mo tungkol sa bagay na ito?