Usap-usapan ang pagsadya ng sikat na social media personality at paresan owner na si "Diwata" sa "Pinoy Pawnstars" ni Boss Toyo upang ipagbenta ang kaniyang lumang malaking kaldero na una niyang ginamit sa paresan business.

Sey ni Diwata, may sentimental value para sa kaniya ang nabanggit na kaldero dahil ito ang unang kasangkapang ginamit niya sa pagluluto ng pares, sa kasagsagan ng pandemya, na nag-aahon sa kaniya ngayon sa kahirapan, at nagdala sa kaniya ng kasikatan.

Kuwento ni Diwata, 2020 nang magsimula siyang magbenta ng pares sa pamamagitan lang ng cart. Sa kasamaang-palad, hindi na raw niya natubos ang nabanggit na cart matapos itong damputin sa clearing operation.

May butas na ang kaniyang kaldero subalit puwede naman daw tagpian.

'So refreshing!' Netizens nakakita ng 'Diwata' sa Boracay

Nang tanungin ni Boss Toyo si Diwata kung magkano naman niya balak ibenta ang kaldero, sinabi ng socmed personality na kung magkano niya nabili ito.

Ang unang tawad ni Boss Toyo ay ₱1,500 subalit nababaan dito si Diwata kaya nag-request siyang taasan naman. Balak pa niyang isama ang luma at sira-sira niyang tsinelas. ₱3,500 daw kasama na ang footwear niya. Huling tawad ni Boss Toyo ay ₱2,500.

Nag-settle sila sa ₱3,000 ngunit hindi na kinuha ang pares ng iconic niyang lumang tsinelas.

MAKI-BALITA: Boss Toyo, binili pinakaunang kalderong ginamit ni Diwata sa paresan