Patuloy pa ring nakaaapekto ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Mayo 21.

Sa weather forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inihayag ni Weather Specialist Rhea Torres na inaasahan pa rin ang maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa, kabilang na ang Metro Manila, dahil sa easterlies.

Mayroon naman daw mga tsansa ng mga pag-ulan at isolated thunderstorms, lalo na pagsapit ng hapon o gabi, dulot ng localized thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay walang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

National

ALAMIN: Mga sintomas ng heat-related illnesses at mga dapat gawin kapag nakaramdam nito