Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Martes na nakakapagtala sila ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa ngunit tiniyak na walang dapat na ipangamba dito ang publiko.

Paniniguro ng DOH, ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay nananatili pa rin namang nasa ‘low risk’ at wala pa rin umanong scientific basis para magpatupad ng travel restrictions sa alinmang bansa dahil sa pagtaas ng Covid-19 cases.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sa datos na inilabas ng DOH, nabatid na hanggang noong Mayo 12, 2024, nasa 11% lamang o 119 mula sa 1,117 dedicated Covid-19 ICU beds ang okupado habang 13% lang o 1,238 ng 9,571 dedicated Covid-19 non-ICU beds ang ginagamit.

Ang mga severe at critical Covid-19 cases naman na naka-admit sa iba’t ibang pagamutan ay nasa 116 lamang, base na rin sa mga ulat ng mga pagamutan sa DOH Data Collect application.

Ayon sa DOH, mula Mayo 7 hanggang 13, 2024, nasa 877 new Covid-19 cases ang naiulat, o may average na 125 kaso kada araw.

Paglilinaw naman ng DOH, bagamat mayroon ng naobserbahang bahagyang pagtaas ng mga kaso nitong mga nakalipas na araw, ito ay maliit lamang at mas mababa kumpara sa mga naobserbahang pagtaas noon.

Anang DOH, sa mga iniulat na bagong kaso ng sakit, pito ang klasipikadong severe o critical disease.

Nasa lima naman umano ang iniulat na matay, na naganap mula Abril 30 hanggang Mayo 13.

“It is important to note that by law, doctors, their clinics, hospitals and other facilities are required to accurately and immediately report cases of Covid-19, whether tested by PCR or rapid antigen test. This will help guide public health decision-making,” anang DOH.

Batay naman umano sa May 17, 2024 World Health Organization (WHO) Covid-19 Epidemiological Update, mayroong tatlong bagong variants under monitoring (VUM) kabilang dito ang JN.1.18, KP.2 at KP.3, na pawang descendants ng JN.1.

Nabatid na ang variants na KP.2 at KP.3 ay ang proper names ng tinaguriang “FLiRT” variants.

Paglilinaw naman ng DOH, wala pang nakikitang sapat na ebidensiya na ang mga naturang variants ay nagreresulta sa severe to critical Covid-19, locally man o internationally.

Giit pa ng DOH, “There is no scientific basis for travel restrictions to any country because of an increase in Covid-19 cases. Further assessment is needed to determine transmissibility and capacity to evade immune response.”

Paalala pa ng DOH, “Good respiratory hygiene (covering coughs), washing hands, choosing less crowds, and ensuring good airflow and ventilation are tried and tested ways to prevent ILIs including Covid-19. It is also best for those who feel ill to stay at home for the meantime, or to properly wear a mask should there be a need to go out.”