Ang Bibliya raw ang pinakatinatangkilik ng maraming matatandang Pilipinong mambabasa bilang pangunahing non-school books ayon sa 2023 National Readership Survey ng Social Weather Stations.

Sa Facebook post na ibinahagi ng National Book Development Board (NBDB) nitong Martes, Mayo 21, makikita ang art card ng naturang survey na isinagawa noong Nobyembre 14-20, 2023 sa 2, 400 na matatanda.

Ayon dito, 64% umano ng Pinoy adult readers ay nagbabasa ng Bibliya isang oras kada araw samantalang 30% naman sa kanila ay nagbabasa ng picture books at children’s books.

“Ito'y patunay lamang na ang maramihang produksiyon ng isang aklat kasabay ng malawakang distribusyon nito ay may positibong naidudulot sa reading access ng mga Pilipino at pagsulong ng readership sa buong bansa,” pahayag ng NBDB.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dagdag pa nila: “Bukod sa Salita ng Diyos, may malaking potensyal rin sa market para sa mga local creators at book publishers ang paglikha ng mas marami pang NSBs na picture o children's books at mga librong ukol sa kalusugan at pamilya na siyang binabasa ng marami sa ating mga kababayan.”

Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi rin ng NBDB ang isa ring art card ng isang survey na nagsasabing hindi umano luho sa maraming Pilipino ang pagbili ng mga libro.

MAKI-BALITA: Pagbili ng libro, hindi luho para sa mga Pilipino —survey