Ipinaliwanag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa nitong Martes, Mayo 21, kung bakit siya naging emosyonal matapos magbitiw sa pwesto bilang Senate president si Migz Zubiri, at kung bakit din siya pumirma para mapatalsik ito.

Sa isang press conference, sinabi ni Dela Rosa na pumirma siya bilang pabor na mapatalsik si Zubiri bilang pangulo ng Senado bago magsimula ang sesyon nitong Lunes, Mayo 20.

“Noong sinaluduhan ako ni Migz, talagang hindi ko napigilan. Naiyak ako dahil for me, being a good soldier, gusto kong sabihin kay Migz: Sorry, boss, I failed to win the war for you,” ani Dela Rosa.

“Because I’m one of his trusted lieutenants. Ang kaniyang misyon sa akin is talagang i-secure ‘yung aking partido, ‘yung PDP, na patuloy na magsuporta sa kaniya,” dagdag pa niya.

National

Zubiri, nagbitiw na sa pwesto bilang Senate President

Mayroon daw sina Dela Rosa, at kapwa niya kapartido sa PDP na sina Senador Bong Go at Senador Francis Tolentino na kung sino ang “majority,” iyon ang masusunod.

Dahil kapwa pumirma raw sina Go at Tolentino bilang pabor na patalsikin si Zubiri, kinailangan na rin daw niyang lumagda rito.

“Majority rules. Lalabas 2 against 1, obligadong sasama ‘yung 1 doon sa decision,” ani Dela Rosa.

Si Dela Rosa umano ang ika-15 na senador na pumirma para mapatalsik si Zubiri. Labing tatlong lagda ang kailangan para mapababa sa pwesto ang isang Senate president.

Kaugnay nito, matatandaang opisyal nang nagbitiw sa pwesto si Zubiri nitong Lunes, kung saan sinabi niyang isa sa mga nakikita niyang dahilan ng pagpapatalsik sa kaniya ay ang pagpayag niya kay Dela Rosa na imbestigahan ang umano’y nag-leak na dokumento sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagsasangkot kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa iligal na droga.

Matapos magbitiw ni Zubiri sa pwesto, si Senador Chiz Escudero ang iniluklok bilang bagong pangulo ng Senado.

https://balita.net.ph/2024/05/20/escudero-nanumpa-na-bilang-bagong-senate-president/

https://balita.net.ph/2024/05/21/alamin-mga-naging-senate-president-ng-pilipinas/