Labing limang senador umano ang bumotong patalsikin si Senador Migz Zubiri bilang pangulo ng Senado, dahilan kaya’t bumaba ito sa pwesto nitong Lunes, Mayo 20.
Narito ang 15 mga senador na bumotong patalsikin si Zubiri:
- Alan Cayetano
- Pia Cayetano
- Bato dela Rosa
- Chiz Escudero
- Jinggoy Estrada
- Bong Go
- Lito Lapid
- Imee Marcos
- Bong Revilla
- Francis Tolentino
- Raffy Tulfo
- Robin Padilla
- Grace Poe
- Cynthia Villar
- Mark Villar
Nanatili naman umano sa panig ni Zubiri ang mga senador na sina Sonny Angara, Nancy Binay, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Loren Legarda, at Joel Villanueva na pare-parehong nagbitiw sa pinamumunuan nilang komite.
Nag-abstain naman daw sina Senador Risa Hontiveros at Koko Pimentel na kapwa nanatili sa minority.
Matatandaang sa isang press conference nitong Lunes ay sinabi ni Zubiri na isa sa mga nakikita niyang dahilan ng pagpapatalsik sa kaniya ay ang pagpayag niya kay Dela Rosa na imbestigahan ang umano’y nag-leak na dokumento sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagsasangkot kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa iligal na droga.
Samantala, matapos magbitiw sa pwesto ay pinalitan si Zubiri ni Escudero.