Opisyal nang bumaba sa pwesto bilang Senate President si Senador Migz Zubiri ngayong Lunes, Mayo 20.

Sa kaniyang privilege speech sa Senate plenary hall, isa-isang pinasalamatan ni Zubiri ang kaniyang mga naging kapwa senador.

“Hindi ko tinanggap ang pagiging pangulo ng Senado para lang hayaan na bumagsak ito,” ani Zubiri.

“Today, I offer my resignation as Senate President, and upon stepping down, I vow to serve as an independent member of the Senate—my allegiance, as ever, belonging to no one but the people. I leave with my head held high, knowing I did what is right for the Senate and for the nation."

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"I failed to follow instructions from the powers that be, simple as that," saad niya.

Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang umano’y kudeta laban kay Zubiri.

Habang sinusulat ito’y hindi pa naman inaanunsyo ng Senado kung sino ang papalit kay Zubiri. Samantala, nagiging usap-usapan naman na si Senador Chiz Escudero ang papalit sa kaniya.

Umupo sa pwesto bilang Senate president si Zubiri noong Hulyo 2022.