Tila nagpahiwatig na ang social media personality na si Xian Gaza sa pagreretiro niya bilang pambansang marites. 

Sa Facebook post kasi niya nitong Linggo, Mayo 19, inihayag ni Xian kung gaano raw kasarap ang mabuhay nang walang nasasagap na tsismis.

“O kay sarap ng buhay na tahimik at walang alam sa kahit na anong tsismis,” saad ni Xian.

“HOW? Basically, hindi ako nag-i-scroll sa news feed ko for the last 3 weeks. Magpo-post lang ako tapos logout. After 3 days na ulit magla-login at magpo-post ng bago. Repeat,” aniya sa comment section.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Dagdag pa niya: “RETIRED MARITES”

Samantala, sa isang hiwalay na post naman ay nagbahagi siya ng isang inspirational message para sa kaniyang followers.

“Magpatuloy ka kahit walang naniniwala sa ‘yo. Don't allow their negativity to define who you are. Huwag mong hayaan na hanggang diyan ka na lang just because no one believe in you. Just because minamaliit ka nila,” pahayag niya. 

“It's true na wala kang kailangang patunayan sa lahat pero kailangan mong patunayan sa sarili mo that you can do better. That you can aim higher. Kasi once tinanggap mo na sa sarili mo na hanggang diyan ka na lang at wala ka ng mararating pa, you will live your everyday life without purpose,” dugtong pa niya.