Naglabas na ng kaniyang pahayag ang kontrobersiyal na content creator na si "Tito Mars" matapos kuyugin ng batikos sa kaniyang eating challenge, lalo na sa "pandidiri" sa pagkain ng sardinas at bagoong.

Marami kasi ang na-off sa ipinakita niyang tila pagkasuka sa pagkain nito, bagay na pinalagan naman ng mga netizen dahil tila nababastos daw ang isa sa mga pagkaing on-the-go ng mga nagtitipid o pinagkakasya lamang ang kanilang budget o pera sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa isang video na naka-post sa kaniyang social media platforms, sinabi ni Tito Mars na hindi raw niya binabastos ang pagkain ng mahihirap, dahil itinuturing din niya ang sarili bilang mahirap.

"Kasi ho ang pagkakaintindi nila, ay binabastos ko ho 'yong pagkain ng mga mahihirap. Unang-una ho, hindi ho ako mayaman. Mahirap lang din ho ako. So bakit ko kailangang bastusin 'yong pagkain ng mga mahihirap?" giit ng content creator.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"Kung babastusin ko man 'yon, eh 'di direkta rin akong matatamaan do'n... at kung babastusin ko talaga ang pagkain ng mahihirap, eh 'di ho sana ang sinabi ko sa mga videos na ginawa ko ay ganito, 'Bakit ganiyan 'yang mga pagkain na 'yan? Parang kaning baboy? Sinong tao ang kakain ng ganiyang klaseng mga pagkain?'" aniya pa.

Kung babastusin daw niya ang pagkain ng mahihirap, siya raw ang unang-unang matatamaan.

MAKI-BALITA: Tito Mars: ‘Di ko binabastos pagkain ng mahihirap!’

Paalala niya sa mga netizen, huwag daw panoorin ang videos niya kung hindi nila bet ang content na ipinakikita niya.

"Ulitin ko ho, hindi ko ho nilalait 'yong pagkain ng mga mahihirap. Kung sa tingin n'yo ho, gano'n n'yo ho na-perceive, gano'n n'yo ho naintindihan 'yong mga videos na ginagawa ko, nirerespeto ko ho 'yan. Kasi, meron ho kayong kalayaan, choice n'yo ho 'yan... kung ayaw n'yo ho, huwag n'yong panoorin..."

Samantala, hindi man pinangalanan ay nagbigay ng reaksiyon ang Kapuso comedy star-TV host na si Pokwang hinggil sa mga gumagawa ng contents patungkol sa sardinas at iba pang pagkaing Pinoy na kalimitang kinakain ng masa, lalo na ang mga mahihirap.

"Walang problema kung ayaw mo sa isang pagkain pero yung umarte ka at umasta na para bang diring diri ka sa uri ng pagkain na yun lang ang kaya ng karamihan sa ting kababayan, napaka insensitive mo ha… mga tao talaga ngayon makagawa lang ng content kahit mawalan na ng pusong tao walang pakialam for the views!!!!! Very evil!!! may kabayaran lahat yan hindi pa ngayon pero binibilang ni God yan pati mga panglalalit nyo 💪🏼 #Umayonsaitsuraangkaartehan," caption dito ni Mamang Pokie.

Bukod sa mga netizen, kapansin-pansing sumang-ayon dito ang aktres na si Lotlot De Leon at drag artist na si Jiggly Caliente.

"Love you mamang!!! ❤️" saad ni Lotlot.

"Very true po. Growing up in the Philippines and even when my family immigrated to America we still ate Filipino sardines . But I think it's only cuz my mom could cook it really well po," ani Jiggly.

"@jigglycalienteofficial diba nak????? may mai content lang kahit hindi na isipin mararamdaman ng walang pangkain na gusto nila kaloka si sya!" komento pa ni Pokwang.

MAKI-BALITA: ‘Very evil!’ Pokwang ibinida pagkain ng sardinas, patutsada kay Tito Mars?