Ikinatuwa ni dating Senador Ping Lacson ang naging pag-cite in contempt ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kay dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales.
“Finally, after continuously breathing lies, Morales was cited for contempt,” ani Lacson sa isang pahayag nitong Lunes, Mayo 20.
“First time we’ve encountered a resource person in a Senate hearing who spoke louder and harsher than the committee members, even arrogantly butting in at will without being recognized by the chairman,” dagdag pa niya.
Nito lamang Lunes nang i-cite in contempt ng Senate committee si Morales dahil sa patuloy umano nitong pagsisinungaling bilang resource person ng komite hinggil sa imbestigasyon nito sa umano’y nag-leak na dokumento mula sa PDEA na nagdadawit kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa iligal na droga.
MAKI-BALITA: Ex-PDEA agent Morales, pina-contempt ng Senate committee
Kaugnay nito, matatandaang sinabi ni Lacson kamakailan na isang “scrap of paper” lamang umano ang naturang nag-leak na dokumento.
MAKI-BALITA: Lacson sa PDEA leaks: ‘Scrap of paper, daming inabalang tao!
Samantala, matatandaan ding tinawag kamakailan ni Pangulong Marcos si Morales na isang “professional liar” at para umanong “jukebox” na kakantahin ang mga gustong ipakanta sa kaniya para sa pera.
MAKI-BALITA: PBBM, tinawag na ‘professional liar’ si ex-PDEA agent Morales
Sinagot naman ni Morales ang naturang pahayag ni Marcos at hinamon ang pangulo na magpa-drug test.
MAKI-BALITA: Ex-PDEA agent Morales, hinamon si PBBM na magpa-drug test
Kaugnay na Balita:
https://balita.net.ph/2024/05/13/estrada-dinuro-si-morales-huwag-mong-pakikialaman-ang-kaso-ko/