Pina-cite in contempt ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales dahil umano sa paulit-ulit na pagsisinungaling nito sa komite.
Ginawa ni Senador Jinggoy Estrada ang mosyon na i-cite in contempt si Morales sa gitna ng pagdinig ng komite nitong Lunes, Mayo 20, hinggil sa umano’y nag-leak na dokumento sa PDEA na nagdadawit kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa iligal na droga.
“Your Honor, I move that he’s be cited in contempt for continuously lying before this committee,” ani Estrada.
Wala namang tumutol sa mosyon ni Estrada, dahilan kaya’t pinayagan ito ng chairperson ng komite na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Matatandaang kamakailan lamang ay tinawag ni Marcos si Morales na isang “professional liar” at para umanong “jukebox” na kakantahin ang mga gustong ipakanta sa kaniya para sa pera.
Sinagot naman ni Morales ang naturang pahayag ni Marcos at hinamon ang pangulo na magpa-drug test.
https://balita.net.ph/2024/05/10/ex-pdea-agent-morales-hinamon-si-pbbm-na-magpa-drug-test/
Kaugnay na Balita:
https://balita.net.ph/2024/05/13/estrada-dinuro-si-morales-huwag-mong-pakikialaman-ang-kaso-ko/