Tagumpay na naiuwi ng gymnast na si Carlos Yulo ang dalawang gintong medalya mula sa 2024 Men's Artistic Gymnastics Asian Championships nitong Linggo, Mayo 19.
Ayon sa ulat, nakuha umano ni Yulo ang puntos na 14.883 sa vault kontra sa katunggaling taga-Uzbekistan na si Abdulaziz Mirvaliev na nakapuntos ng 14.783.
Naiposisyon naman ni Muhammad Sharul Aimy na taga-Malaysia ang sarili sa ikatlong pwesto sa puntos na 14.466.
Samantala, naisemento ni Yulo ang puntos na 15.133 sa parrallel bars na naging dahilan para mapasakamay niya ang isa pang gintong medalya.
Nakuha naman ni Yen Dehang ng China ang ikalawang pwesto sa puntos na 15.033 habang ang ikatlong pwesto ay napunta kay Rasuljon Abdurakhimov ng Uzbekistan sa puntos na 14.866.
Pero bago pa man ito, nauna nang nasungkit ni Yulo ang dalawang gintong medalya sa individual all-around at floor exercise laban sa pambato ng Kazakhstan na si Milad Karimi.