Una nang naitampok sa Balita ang tisoy na baked mac vendor sa Marikina dahil sa kaniyang masarap na paninda, idagdag pa ang kaniyang looks at magiliw na sales talk sa mga nagdaraang customer sa kaniyang puwesto sa isang kalsada.

Napag-alamang ang vendor ng bake mac ay tinatawag na "Enteng" na bukod sa pagtitinda sa kalsada ay may sarili ring Facebook page para sa kaniyang mga paninda.

"Nahanap ko na ata yung pinakamasarap na Baked Mac dito sa Marikina Bayan," mababasa sa caption ng Facebook page na "HELLO, EATS NANI."

Ayon sa ulat ng isang page, si Enteng ay unang nadiskubre ng content creator na si Manuel Olazo, subalit mas sumikat pa siya sa social media dahil sa social media personality na si Cherry White. Pinakyaw pa nga ni Cherry White ang mga paninda ni Enteng at ipinamigay sa mga tao.

Usapang Negosyo

Kahit maagang naulila: Pinoy dishwasher, nagsumikap; isa nang restaurant owner

Panghatak umano ang kaniyang artistahing hitsura kung bakit marami rin ang bumibili sa kaniyang baked mac. May mga nagsasabing siya na raw ang "Bagong Diwata" o nagtitindang sisikat na rin dahil sa atensyong ibinibigay sa kaniya ng mga tao.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"kahit siguro di ako masarapan, kikimkimin ko nalang makatulong lang sa kapwa."

"Bibili ang kiffy ko hahaha"

"Pag pogi: affordable and yummy! Panget: mura na marumi pa"

"Pag pogi dudumugin. Pag pangit isnob isnobin? Hahahaha"

"Let's be practical syempre kung gusto mong mabenta yung mga products mo be presentable ayusin yung sarili, pananamit, pakikipag usap sa customer etc. Yung looks ni kuya for me dagdag nalang yun for marketing strategy. Kung titignan mo mabuti yung mga binebenta nya mukha naman talagang masarap at malinis. Kung gusto nyo din mag trend yung mga products nyo at dumugin kayo ng mga customers be presentable kahit wala kang looks like kuya basta presentable ka naniniwala ako papatok sa masa ang negosyo mo."

"This man was raised well by his parents. Salute to the parents of this man."

"Masipag yan si enteng sya din gumagawa nyan nag titinda sya para sa family nya God Bless you more po salamat sa pag feature sakanya naway marami pang tumangkilik ng product nya."

Sa panayam ng Balita kay Enteng, ang mga produkto niya ay makikita rin sa kaniyang Facebook page na "Arvi Foodhouse." Nagsisimula umano ang kaniyang pagbebenta ng 4:00 ng hapon, at paminsan ay inaabot ng madaling-araw para makaubos. Mga nasa 50 tubs ang nabebenta niya kada araw.

MAKI-BALITA: Baked mac vendor sa Marikina, pumukaw ng atensyon