Flinex ng Kapuso comedy star-TV host na si Pokwang ang pagkain niya ng sardinas, bagay na "happy food" daw niya simula pagkabata niya.

Laki sa hirap, kinasanayan na ni Pokwang ang pagkain ng sardinas na pinaghahatian daw nilang magkakapatid. Kahit ang anak daw nila ng dating partner na si American actor Lee O'Brian ay sanay sa pagkain ng sardinas.

Hindi man pinangalanan, ang tinutukoy raw ni Pokwang ay ang pinag-usapang "eating challenge content" ng social media personality na si Tito Mars, matapos niyang ipakita ang tila pandidiri at pagkasuka sa pagkain ng sardinas.

"Walang problema kung ayaw mo sa isang pagkain pero yung umarte ka at umasta na para bang diring diri ka sa uri ng pagkain na yun lang ang kaya ng karamihan sa ting kababayan, napaka insensitive mo ha… mga tao talaga ngayon makagawa lang ng content kahit mawalan na ng pusong tao walang pakialam for the views!!!!! Very evil!!! may kabayaran lahat yan hindi pa ngayon pero binibilang ni God yan pati mga panglalalit nyo 💪🏼 #Umayonsaitsuraangkaartehan," caption dito ni Mamang Pokie.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Bukod sa mga netizen, kapansin-pansing sumang-ayon dito ang aktres na si Lotlot De Leon at drag artist na si Jiggly Caliente.

"Love you mamang!!! ❤️" saad ni Lotlot.

Photo courtesy: Screenshot from Pokwang (IG)

"Very true po. Growing up in the Philippines and even when my family immigrated to America we still ate Filipino sardines . But I think it's only cuz my mom could cook it really well po," ani Jiggly.

"@jigglycalienteofficial diba nak????? may mai content lang kahit hindi na isipin mararamdaman ng walang pangkain na gusto nila kaloka si sya!" komento pa ni Pokwang.

Pinusuan naman ito ng Soul Diva na si Jaya na naninirahan na rin sa US.

Photo courtesy: Screenshot from Pokwang (IG)

Samantala, sa isang video ay sinabi ni Tito Mars na hindi naman niya binabastos ang pagkain ng mahihirap dahil kinokonsidera niya ang sarili bilang mahirap.

Huwag daw panoorin ang kaniyang videos/contents kung ayaw ng mga netizen ang kaniyang itinatampok.

MAKI-BALITA: Tito Mars: ‘Di ko binabastos pagkain ng mahihirap!’