Hindi nakaligtas sa puna ng mga netizen ang outfit ng karakter ni Primetime King Coco Martin sa teleserye niyang “Batang Quiapo.”

Tila hindi raw kasi nababagay na magsuot ng leather jacket si “Tanggol” dahil ang karakter na ito na ginagampanan ni Coco sa serye ay nakatira sa Pilipinas kung saan napakainit ng panahon.

Pero dinepensahan ni showbiz insider Ogie Diaz nitong Sabado, Mayo 18, si Coco mula sa mga punang ito ng netizen sa kaniyang teleserye.

“Kasi gan’to ‘yan, ano—gusto ko lang ipaliwanag sa inyo—branding kasi ‘yon. Syempre, ang ‘Batang Quiapo’ ay si FPJ. Kahit ang ‘Probinsyano’ ay si FPJ. So, syempre ang kinakatawan ni Coco ay si FPJ,” pahayag ni Ogie.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

“So, ‘pag sinasabi nila na: ‘Ang init-init, bakit naka-jacket?’ May napansin ba kayong nagpapaypay doon? [Wala]. Ibig sabihin, hindi nila pinaparamdam sa audience na mainit ang paligid,” wika niya.

Kaya intindihin sana ng audience ang ginagawang iyon ni Coco ayon kay Ogie. Dahil kung siya mismo ang manager ng aktor halimbawa, wala rin namang magiging problema sa kaniya ang pagsusuot nito ng leather jacket. 

Kailangan din kasi ito para mas maipakita at maiparamdam sa mga manonood na action star si Coco na handang sumugod sa anomang labang nakaabang. 

MAKI-BALITA: FPJ, nabuhay daw sa katauhan ni Coco Martin